Saturday, March 1, 2008

HEART ATTACK para sa HEARTBREAK KID

UMAATAKE parang mga bulate.. pero hindi sa tyan.. tumatagos sa utak tas shoot sa puso ARRRUUUUUYYYY..

At soooobrang masakit. kung meron pang mas isasakit sa soobrang sakit un na un.Ang problema naman kase kung bakit hindi ko ito malabas labas sa tamang timing patalo eh laging sa mga maling pagkakataon lumalabas ang matinding pagkalungkot. kapag naliligo, nakasakay sa fx, naglalaba, o kaya kahit tipong nanonood ng tv lang bigla na lang umaatake ang sakit na pangemosyonal. minsan isinabay ko na lang sa paghiwa na sandamakmak na sibuyas para hindi halata. pero kung gagawin ko nman yun araw araw diba o kaya pag inaatake na ko ng matinding pagkamiss ay nako baka bulag nako by now. eh pero naisip ko na din kung ano kaya bulag na lang ako para di ko na lang din nakikita un mga bagay na iyon at yung mga hindi kanais nais sa paningin ko na nagtatanim ng matinding sakit sa aking DAM-DAM-in. pero nakalimutan ko din hindi nman pala un mata ko un may dipirensya, un puso ko pala. kaya kahit maging bulag pipi, bingi, may ketong, cholera, hepatitis, tuberkolosis o ngongo man ako, mararamdaman ko pa din eto araw araw hanggat hindi pa sya bumabalik na alam ko naman na hindi na talaga ATA siya babalik.
At least may PAGASA pa din sa sinsabing nyong WALA ng PAGASA. andun pa din un salitang pagasa. pilosopo na kung sa pilosopo pero hindi ako nawawalan nyan. at kahit magkaroon na ulit nyan pilosopo pa din ako.
dear LORD, sana ay makabalik na ulit sya. alam ko nauna akong umalis sa kanya at ngyong nakabalik na ko siya naman ang umalis. alam ko na naligaw lang sya at nagtry lang magibang daan pero alam ko babalik din yan ulit kung san siya galing un nga lang sana hindi na siya matagalan kase ako nagshortcut pauwi ng malaman ko na umalis siya.

ow well.

2 comments:

gari salvador said...

hello babols. hehe add me. charina

felibooo said...

baaalsss i heart you awww